Pinsala ng El Niño sa agri sector, nasa P9.5-B—DA

Pinsala ng El Niño sa agri sector, nasa P9.5-B—DA

PINSALANG dulot ng El Niño sa sektor ng agrikultura sa bansa umabot na sa P9.5-B.

Sa pahayag ng Department of Agriculture (DA), katumbas na ito ng nasa 163,694 ektarya ng lupang sakahan at 175,063 na mga magsasaka at mangingisda na apektado.

Kaugnay rito, kasalukuyan nang isasailalim sa state of calamity ang buong probinsiya ng Bohol dahil sa El Niño.

Sa kanilang tala, P420.8-M na ang pinsalang hatid ng matinding tagtuyot sa agri sector ng probinsiya.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter