Pinsala ng El Niño sa sektor ng agrikultura, pumalo pa sa P2.63-B—DA

Pinsala ng El Niño sa sektor ng agrikultura, pumalo pa sa P2.63-B—DA

NADAGDAGAN pa ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura ng nararanasang El Niño sa bansa.

Sa datos na ibinahagi ng Department of Agriculture (DA), hanggang nitong Abril 1, pumalo pa sa P2.63-B ang halaga ng pinsala sa mga pananim dahil sa matinding tagtuyot.

Pinaka-naapektuhan dito ang mga tanim na palay na aabot sa higit 34,000 na ektarya ang nasira.

Sinundan ito ng mais at high-value crops.

Aabot naman sa mahigit 50 libong magsasaka ang naaapektuhan ng El Niño.

Sa kabilang banda, aabot na sa higit P1-B ang naiabot na tulong ng Department of Agriculture (DA) sa mga apektadong magsasaka.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble