Pinsala sa imprastruktura sa pagtama ng Bagyong Egay, higit P656-M—NDRRMC

Pinsala sa imprastruktura sa pagtama ng Bagyong Egay, higit P656-M—NDRRMC

MAHIGIT P656-M ang halaga ng pinsala sa imprastruktura sa pananalasa ng Bagyong Egay.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 82 imprastruktura ang napinsala ng bagyo, kung saan 48 ang mula sa Ilocos Region at 15 sa MIMAROPA.

Habang 7 imprastruktura ang naapektuhan mula sa SOCCSKSARGEN, apat sa Western Visayas at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), at dalawa sa Bicol Region at Davao Region.

Nakapagtala naman ng mahigit P58-M ang halaga ng pinsala sa agrikultura sa Western Visayas at Cordillera Administrative Region (CAR).

Patuloy ang isinasagawang assessment ng mga awtoridad sa iba pang rehiyon na naaapektuhan ng bagyo.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble