Pinsala sa sektor ng agrikultura, halos P9-M na

Pinsala sa sektor ng agrikultura, halos P9-M na

UMAKYAT na sa P898.4-M mula sa kalahating milyong piso ang inisyal na halaga ng pinsala ng Bagyong Goring at habagat sa sektor ng agrikultura.

Sa pinakahuling datos ng Department of Agriculture Disaster Risk Reduction and Management (DA-DRRM) Operations Center, nasa 24,457 na ang bilang ng mga magsasaka na naapektuhan.

Ito ay batay sa inisyal na report mula sa Cagayan Valley at Western Visayas.

Nasa 34,979 na ektaryang lupain ang naapektuhan ng pananalasa ng bagyo habang nasa 39,011 metriko tonelada ang nasirang produksiyon.

Kabilang sa mga lubhang napinsala ay ang palay, mais at mga high value crops, livestock at poultry.

Patuloy naman ang isinasagawang assessment ng ahensiya sa inaasahang pinsala sa agrikultura at fishery sector.

Tiniyak naman ng Department of Agriculture (DA), na may nakahandang ayuda ang kagawaran para sa mga apektadong magsasaka.

Kabilang dito ang P100-M halaga ng binhi ng palay, mais, at mga assorted vegetable seed.

Magkakaloob din ang DA ng drugs at biologics para sa livestock at poultry, at ayuda sa pamamagitan ng Quick Reaction fund ng DA.

Pinapayuhan ang mga magsasaka na makipag-ugnayan lamang sa pinakamalapit na tanggapan ng DA para makakuha ng ayuda.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble