Piolo Pascual, nagpasalamat sa supporters matapos nanalo sa 36th Aliw Awards para sa “Ibarra”

Piolo Pascual, nagpasalamat sa supporters matapos nanalo sa 36th Aliw Awards para sa “Ibarra”

LUBOS na pinasalamatan ng aktor na si Piolo Pascual ang lahat na mga sumusuporta sa kaniyang career bilang aktor sa musical play na “Ibarra”.

Aniya, hindi nito linya ang teatro subalit dahil nga’t nakasungkit siya ng award ay nangangahulugan lang na nagbunga ang lahat ng kaniyang pagsisikap.

Sa naganap na 36th Aliw Awards noong Disyembre 11, 2023 ay panalo bilang Best Lead Actor si Piolo.

Samantala, ang musical play na “Ibarra” ay isinagawa sa GSIS Theater noong Hunyo 2023 at nagkaroon ito ng 10 shows.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter