PITX, pinaghahandaan na ang pagdagsa ng mga biyahero sa Undas

PITX, pinaghahandaan na ang pagdagsa ng mga biyahero sa Undas

PINAGHAHANDAAN na ng Parañaque Terminal Exchange (PITX) ang posibeng pagdagsa ng mga biyahero sa Undas.

Ayon sa PITX, maglulunsad sila ng Oplan Undas sa susunod na linggo upang matiyak ang kaayusan, at kalinisan sa terminal.

Dapat din aniya nilang matiyak na masunod ang COVID-19 protocols upang maiwasan ang hawaan at pagkalat ng virus.

Aabot naman sa mahigit 150,000 na mga pasahero ang inaasahang dadagsa sa nasabing terminal.

Katuwang naman ng PITX para sa gagawin nitong Oplan Undas ay ang Land Transportation Office, Land Transportation Franchising and Regulatory Board, Metropolitan Manila Development Authority at Inter-Agency Council for Traffic (IACT).

Follow SMNI NEWS in Twitter