Planong assassination kay dating US President Trump, maaaring mangyari kay VP Sara─geopolitical analyst

Planong assassination kay dating US President Trump, maaaring mangyari kay VP Sara─geopolitical analyst

Maaaring mangyari kay Vice President Sara Duterte ang planong assassination kay dating US President Donald Trump.

Ganito inilarawan ng geopolitical analyst na si Herman “Ka Mentong” Laurel ang ginawang pang-aabuso umano ni PNP Chief Marbil sa mismong bise presidente ng bansa.

Ang nasabing pahayag ni Ka-Mentong ay kasunod ng open letter ni VP Sara kay Marbil.

“Ito ang eksaktong nangyari sa Estados Unidos. ‘Yong nangyari kay President Trump, assassination attempt na pahagingan ng bala ‘yong tenga ni President Trump ang siyang dahilan po ay tinanggihan din ng US Secret Service ‘yong additional security ni President Trump, the Marcos administration wants the same thing to happened in this country,” ayon kay Herman “Ka-Mentong” Laurel, Geopolitical Analyst.

Aniya, napakalaking mali ang ginawa ni Marbil na binawasan ang security ng bise presidente.

“It is a great mistake for that withdrawal of security support from the Vice President of police officers from the police forces,” dagdag pa nito.

PNP Chief Marbil, walang respeto sa inihalal ng taumbayan─dating intel officer ng NPA

Para naman sa dating intel officer ng CPP-NPA-NDF na si Jeffrey “Ka Eric” Celiz, ang ginawang ito ni Marbil ay pagpapakita na wala itong respeto sa ikalawang pangulo na inihalal ng taumbayan.

 “Tama at napaka delikado ‘yan. If the Chief PNP cannot respect or afford courtesy sa pangalawang pangulo ng bansa na inihalal, how can we expect the Chief PNP to respect ordinary people?” ani Laurel.

Binigyang-diin ni Ka-Eric na ang kabastusan at pang-aabuso ni Marbil sa kaniyang kapangyarihan ay matagal na niyang ginagawa sa mga ordinaryong Pilipino at magandang halimbawa nito ang Kingdom of Jesus Christ at si Pastor Apollo C. Quiboloy.

 “At ‘yan exactly ang binanggit niya kung paano sinaktan ng mga pulis ang mga kabataan, kababaihan at katutubo ang unarmed civilians at mga workers at mga religious missionary ng Kingdom of Jesus Christ exactly how VP described sa kanilang tapang-tapangan na pag-atake laban kay Pastor Quiboloy na hindi pa convicted at akusado palang kung tratuhin nila, parang sobra pa sa terorista and that’s the message that the VP is saying sa kaniyang letter,” ayon kay Celiz.

Bagay na sinang-ayunan ng dating NTF-ELCAC Official na si Dr. Lorraine Badoy.

“At dahil sa leadership ng PNP alam mo ang nangyayari ngayon, ang taumbayan hindi na pinagkakatiwalan because the watch of Marbil, ‘yong pang-aabuso sa KOJC nangyari ‘yong paglusob, ‘yong pagmamalabis ng dalawang battalion ng SAF, ng CIDG may SWAT pa, may snipers para  mag-serve ng isang taong pressumed innocent until proven guilty di ba si Pastor at as a result, dalawa ang namatay under the watch of Marbil,” ani Dr. Lorraine Badoy.

PNP Chief Marbil, nakakahiya dahil sa ginagawang pang-aabuso sa kapangyarihan ─dating NTF-ELCAC Official

Binigyang-diin din ni Badoy na nakakahiya ang ginagawang pang-aabuso ni Marbil.

“Kung ako si Marbil, mamamatay ako sa kahiyaan, mahihiya ako talaga itong si Marbil kasi nilagay niya sa kapahamakan si VP but again si Marbil obviously ay isang taong walang sariling paninindigan at walang prinsipyo, nakakahiya PMA graduate pa naman pinaaral ng bayan,” ani Dr. Badoy.

Sa huli, iisa lang ang mensahe nila kay Bongbong Marcos at kay Marbil.

“Dahil kung meron mang mangyari kay Vice President Sara Duterte, ‘wag naman sana pero kung may mangyari po ang talagang mapuputukan po ay si Bongbong Marcos,” ayon kay Laurel.

“Exactly, kung mali ang ginawa ni General Marbil against the VP, President Marcos should order the recall of that illegal and anomalous order na mag pull out ka sa security mo sa vice president,” ani Celiz.

“Nakikita naman natin very consistent naman, hindi naman bobo ang mga Pilipino, nakikita natin na iniipit ang VP so sasabihin ko kay Marbil, sit at tsaka kay Bongbong Marcos kapag may nangyari sa VP namin na 32M Filipinos na bumoto, kayo ang sisingilin namin,” ani Badoy.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble