Plastic bottle waste, standard na sa nat’l road projects—DPWH

Plastic bottle waste, standard na sa nat’l road projects—DPWH

GINAWA na ngayon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang paggamit ng basurang polyethylene terephthalate o PET plastic bottle waste bilang standard o pamantayan sa paggawa ng asphalt mixtures sa mga pambansang kalsada.

Ito’y upang mapahusay ang tibay ng kalsada at maisulong ang makakalikasang imprastraktura.

Alinsunod na rin ito sa inilabas na kautusan na nagpapatibay sa bagong asphalt specification sa ilalim ng Sustainable Construction Program ng kagawaran.

Upang matiyak naman ang pare-parehong pagpapatupad, isinama na rin ang pamantayang ito sa Project and Contract Management Application ng DPWH na sumasaklaw sa pagpaplano, procurement, at monitoring ng mga proyekto.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble