PM Anwar nakipagpulong sa ambassador ng Japan sa Malaysia

PM Anwar nakipagpulong sa ambassador ng Japan sa Malaysia

NAKIPAGPULONG si Prime Minister Datuk Anwar Ibrahim kay Japanese Ambassador to Malaysia Takahashi Katsuhiko kasama ang delegasyon nito mula sa Japanese Chamber of Trade and Industry, Malaysia kasabay ng pagdiriwang ng ika-65 taon ng diplomatikong relasyon ng dalawang bansa.

Ang Japan ay isa sa mga pangunahing pinagmumulan ng Foreign Direct Investment (FDI) na pumapasok sa Malaysia sa mga proyekto sa pagmamanupaktura.

Noong nakaraang taon, may kabuuang 2,746 projects ang ipinatupad, na may kabuuang puhunan na nagkakahalaga ng USD27.25 bilyon (RM91.14 bilyon) at aabot sa 336,326 na job opportunities ang nalikha.

Ayon sa punong ministro, ngayong taon ay nangako ang Japan ng RM23-B na investments mula sa Japan.

Ang Japan ay isa sa pinakamahalaga at ikaapat na pinakamalaking trading partner ng Malaysia na may trade volume na US$41.21-B (RM181.51 bilyon) noong nakaraang taon.

Ang patuloy na pagtaas ng FDI ay katibayan ng kumpiyansa ng mga dayuhang mamumuhunan na bumabawi tungo sa pag-unlad at potensiyal ng ekonomiya ng Malaysia.

Samantala, batay sa survey ng Japan External Trade Organization, 96% ng Japan companies ay gustong manatili sa Malaysia.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter