Desisyon ng SC sa 2005 Joint Oil Exploration ng Pilipinas, 2 pang bansa, posibleng pagmulan ng problema

Desisyon ng SC sa 2005 Joint Oil Exploration ng Pilipinas, 2 pang bansa, posibleng pagmulan ng problema

NIRERESPETO ng isang eksperto ang desisyon ng Supreme Court (SC) na ideklarang labag sa Saligang Batas ang 2005 Joint Oil Exploration ng China, Vietnam at Pilipinas.

Ito ang naging komento ni Geopolitical Analyst ni Prof. Anna Malindog-Uy sa panayam ng SMNI News.

May agam-agam nga lang si Malindog-Uy hinggil sa desisyon dahil posibleng ito ang magiging dahilan para magkaroon ng problema sa joint oil exploration naman ng Pilipinas at China sa Reed Bank.

Matatandaang nitong Marso 2023 nang inanunsiyo ni Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Enrique Manalo na magkakaroon ng pagpupulong ang Pilipinas at China hinggil nga sa joint oil exploration sa Reed Bank.

Sa mga pag-aaral, mayaman ang Reed Bank sa oil at gas at potensiyal na alternative sa paubos nang suplay na nakukuha mula sa Malampaya oil gas field.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter