PM Fumio Kishida, dinepensahan ang pagsuporta sa pagbubukas ng nuclear power plants sa Japan

PM Fumio Kishida, dinepensahan ang pagsuporta sa pagbubukas ng nuclear power plants sa Japan

DINEPENSAHAN ni Prime Minister Fumio Kishida ang pagsuporta sa pagbubukas ng nuclear power plants sa Japan.

Binigyang diin ng bagong Punong Ministro ng Japan na malaking tulong sa pagbubukas ng ekonomiya ang pagbabalik sa operasyon ng nuclear power plants sa bansa.

Ito ay kasunod ng mga pahayag ni Kishida na ang muling pagbubukas ng nuclear power sa bansa ay mahalaga.

Ang enerhiya ay isang malaking isyu sa leadership race ng ruling democratic party kamakailan.

Matatandaang ang nuclear energy ay malaking isyu sa Japan mula nang paglindol noong taong 2011 na nagdulot ng tsunami at sinira ang nuclear power plant sa rehiyon ng Fukushima na naitala namang isa sa pinakamalalang nuclear accident sa mundo.

Lahat ng nuclear power sa Japan ay ipinasara mula noon kung saan iilan na nga lamang ang ibinalik para maging operational.

SMNI NEWS