BALAK ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida na palitan ang lahat ng ministro ng kaniyang gabinete na mula sa Liberal Democratic Party na dating pinamumunuan ni Prime Minister Shinzo Abe.
Una na ngang nagdesisyon si Kishida na tanggalin sa puwesto si Cabinet Secretary Hirokazu Matsuno ukol sa kabiguan nitong maiulat ang milyun-milyong yen na natanggap bilang parte ng fundraising ng partido nito.
Nahaharap din sa parehong alegasyon ang Economy, Trade and Industry Minister na si Yasutoshi Nishimura.
Bukod dito ay posible ring ma-dismiss ang lahat ng senior vice ministers at parliamentary vice ministers mula sa faction ni Abe.
Maliban kay Matsuno, at Nishimura kabilang din sa listahan ang dalawang iba pang ministers, limang senior vice ministers at anim na parliamentary vice ministers mula sa faction pa rin ni Abe.
Posible umanong i-timing ni Kishida ang pagpapalit ng kaniyang gabinete sa pagtatapos ng extraordinary parliamentary session sa Miyerkules.