PM Kishida, tinalaga ang dating health minister bilang bagong economic minister ng Japan

PM Kishida, tinalaga ang dating health minister bilang bagong economic minister ng Japan

ITINALAGA ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida ang dating health minister na si Shigeyuki Goto bilang susunod na economic minister matapos magbitiw sa pwesto ang kasalukuyang ministro na nakatalaga rito kasunod ng mga kritisismo na nag-uugnay sa kontrobersyal na relihiyon sa bansa.

Matapos ang ilang linggo na panawagan ng mga mambabatas ng oposisyon na magbitiw si Economic Minister Daishiro Yamagiwa ay tuluyan na nga nitong isinumite ang kanyang resignation letter at sinabi na nagdulot na siya ng “inconvenience” sa gobyerno.

Ayon kay Yamagiwa, ito ay dahil sa kanyang matagal na pagpapaliwanag sa kanyang kaugnayan sa Unification Church.

Sa kanyang pakikipag-usap sa media ay inihayag naman ni Prime Minister Kishida na pinili nito si Goto base sa kanyang political experience, high presentation skills maging dahil sa kanyang interes sa economic at social reforms.

Ang appointment ni Goto ay kasunod ng minamadaling economic stimulus package na ikakasa ng gobyerno at bagong extra budget nito.

Nangako si Kishida na muling mamamahagi ang gobyerno ng stimulus package sa katapusan ng buwan kasunod ng tumataas na halaga ng mga bilihin dahil na rin sa pagbagsak ng halaga ng yen kontra dolyar.

Follow SMNI NEWS in Twitter