PM Prayut Chan-O-Cha ng Thailand, ipinag-utos ang mahigpit na seguridad sa APEC

PM Prayut Chan-O-Cha ng Thailand, ipinag-utos ang mahigpit na seguridad sa APEC

IPINAG-UTOS ni Prime Minister Prayut Chan-O-Cha sa National Security Council na siguruhin ang mahigpit na seguridad sa gaganaping Asia Pacific Economic Cooperation Summit sa susunod na buwan na gaganapin sa Bangkok.

Sa harap ng NSC meeting ay ipinaliwanag ni Prayut ang kahalagahan ng kooperasyon ng security officials, police, military at mga residente sa tagumpay ng summit.

Mahalaga rin umano ang konsepto ng APEC 2022 na Open.Connect.Balance na malaking tulong sa bansa.

Pinapamonitor rin ni Prayut ang mga political activist at violent groups na posibleng magpakita ng masamang imahe ng bansa.

Magkakaroon naman ng war room ang national intelligence agency upang siguruhin ang maayos na daloy ng impormasyon sa tulong ng special branch bureau, army military intelligence command at armed forces security center

Pinapaghanda naman ang security forces na magsagawa ng drills upang maihanda ang sarili na rumesponde sa hindi inaasahang insidente.

Follow SMNI NEWS in Twitter