PNP-AVSEGROUP nagsagawa ng simulation exercise kaugnay sa naiwang bagahe ng pasahero sa NAIA

PNP-AVSEGROUP nagsagawa ng simulation exercise kaugnay sa naiwang bagahe ng pasahero sa NAIA

NAGSAGAWA ng Simulation Exercise ngayong Biyernes ang PNP Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP) kaugnay sa naiwang bagahe ng isang pasahero sa NAIA Terminal-3.

Layunin ng exercise na matiyak kung gaano kabilis rumesponde ang mga personnel ng PNP AVSEGROUP sa tuwing may naiiwang bagahe ang mga pasahero sa mga lugar na sakop ng NAIA.

Isang bag na maliit ang kapansin-pansin na naiwan sa isang push cart sa arrival curbside sa Bay 3 at 4 ng pasahero sa NAIA Terminal 3.

Agad naman itong napansin ng mga otoridad sa paliparan at nilapitan ng Explosive Ordinance Disposal Unit (EOD)/ K9 Group para ma-detect kung ang mga naiwang gamit ay ligtas mula sa anumang uri ng pagsabog.

Idineklarang clear o ligtas ang bag nang hindi umupo ang K9.

Nakita sa nilalaman ng bag ang sapatos, damit, at toiletries.

Ang pangyayari ay bahagi ng simulation exercise na isinagawa ng PNP-AVSEGROUP sa paliparan.

Ayon kay PLT. Tranquilino Paggao ng PNP AVSEGROUP, ginawa ang simulation exercise upang matiyak kung gaano kabilis ang pagresponde ng mga personnel ng PNP AVSEGROUP sa tuwing may naiiwang bagahe ang mga pasahero sa mga lugar na sakop ng NAIA.

Layunin din nito na matiyak na ligtas ang paliparan at ang bawat indibidwal sa loob at labas ng NAIA.

Umaabot sa 2-5 na pasahero kada araw sa Terminal 3 ang nakakaiwan ng mga bagahe sa paliparan.

Paalala pa rin ng mga otoridad upang hindi makaabala, ugaliin ng mga dumarating na pasahero sa NAIA na tiyakin na bitbit pa rin ang lahat ng mga gamit nito bago magtungo sa kanilang uuwian.

Follow SMNI NEWS in Twitter