PNP chief, may babala sa mga gumagawa ng prank video

PNP chief, may babala sa mga gumagawa ng prank video

PANANAGUTIN ng Philippine National Police (PNP) ang mga lumilikha ng takot at kaguluhan sa publiko dahil sa prank video.

Ito ang babala ni PNP chief Police General Benjamin Acorda, Jr. makaraang arestuhin ng Las Piñas City Police Station ang tatlong vlogger na kilala bilang “Tukomi Brother’s” na nasa likod ng viral na kidnapping prank.

Kinilala ang mga naaresto na sina Mark Heroshi San Rafael, Mark Lester San Rafael, at Eleazar Steven Fuentes.

Ang tatlong suspek ay nahuli sa bisa ng warrant of arrest dahil sa paglabag sa Article 513 ng Revised Penal Code o Alarm and Scandal.

Nabatid na gumagawa ng fake kidnapping episode ang tatlong suspek noong Abril 6, 2023 nang respondehan ito ng pulis na si Staff Sergeant Ronnie Conmigo ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) at muntik nang mauwi sa engkuwentro.

Pinuri ni General Acorda ang kanilang tauhan sa mabilis na pag-aksiyon sa insidente lalo’t nagdulot ito ng takot sa publiko.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble