HINDI nagkaroon ng cover-up sa 6.7 bilyong pisong halaga ng shabu na nasamsam sa Maynila noong Oktubre 2022.
Ito ang iginiit ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin, Jr. sa pulong balitaan sa Camp Crame.
Kasabay nito, itinanggi ni Azurin na may hakbang para i-absuwelto si Police Master Sergeant Rodolfo Mayo, Jr. sa pagkakasangkot nito sa iligal na droga.
Hiniling din nito kay Interior Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. na magkaroon ng “second look” sa kaniyang akusasyon laban sa ilang matataas na opisyal ng PNP.
Ayon kay Azurin, hindi dapat maniwala ang kalihim na misinformation na ibinibigay ng mga nakapaligid sa kaniya.