PNP IAS, ipinagdiwang ang ika-24 na anibersaryo

PNP IAS, ipinagdiwang ang ika-24 na anibersaryo

IPINAGDIWANG ng PNP Internal Affairs Service (IAS) ang kanilang ika-24 na anibersaryo ngayong araw.

Ito ay may temang “IAS @24: Maaasahang Katuwang ng Pulisya at Pamayanan Para sa Pagkakaisa, Integridad, at Katarungan.”

Nagsilbing panauhing pandangal si Commission on Audit (COA) Commissioner Mario Lipana.

Sa kaniyang mensahe, pinuri ni Lipana ang zero backlog ng IAS sa lahat ng administrative case na hinawakan noong 2022, mas mataas kumpara sa 99.65 percent resolution efficiency noong 2021.

Mahalaga aniya na itinataguyod ng pulisya ang kanilang accountability sa pamamagitan ng mandato ng IAS.

Samantala, nagkaroon din ng command conference ang IAS na pinangunahan ni PNP IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter