PNP, iginiit na walang matinong buhay sa pagiging aktibista

PNP, iginiit na walang matinong buhay sa pagiging aktibista

WALANG umaasenso sa pagiging aktibista o rebelde.

Ito ang iginiit ni QCPD District Director PBGen. Nick Torre sa panayam ng SMNI News kaugnay sa karanasan nito laban sa mga militante.

Para kay Torre, walang matinong buhay sa pagsapi sa kilusan bagama’t lalo itong nakapagpapahirap sa kanilang kalagayan hanggang sa nadadamay ang ibang kabuhayan.

Giit ni Torre, hindi rin magandang huwaran ang pagiging aktibista dahil sa kawalan ng respeto sa kapwa maging sa batas ng bansa.

Iilan lang din aniya ang nakikinabang sa kilusan at hindi ang buong samahan.

Sa katunayan ayon sa heneral, mas napabuti ang buhay ng mga miyembrong tumalikod na sa pagiging militante dahil naranasan nito ang mamuhay ng normal at sa tulong na rin ng gobyerno.

Payo ngayon ng heneral sa mga militante lalo na sa mga kabataan, itigil na ang aktibismo, magbago at magbalik-loob sa gobyerno sa ngalan ng kapayapaan at pagkakaisa ng mga Pilipino.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble