MAGKAKAROON ang Philippine National Police (PNP) ng sariling news and public affairs program.
Ito ay upang makapagbigay ng pinakamataas na serbisyo-publiko, alinsunod sa core values na maka-Diyos, makabayan, makatao at maka-kalikasan.
Ayon kay PNP chief Police General Rodolfo Azurin, Jr. ay tatawagin itong Police News Network (PNN), kung saan bibigyan ng kaalaman ang publiko tungkol sa kapayapaan at kaayusan, mga paalala ng kaligtasan na maaring magamit sa pang-araw-araw na buhay.
Ilalabas ang mga impormasyon sa YouTube at Facebook na madaling makararating sa publiko.
Nanawagan naman si Azurin sa 228,000 tauhan ng PNP kasama ang komunidad na suportahan ang nasabing news program.