PNP, kinilala ang mga top performing na Police Regional Offices

PNP, kinilala ang mga top performing na Police Regional Offices

PINARANGALAN ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. ang mga top performing na Police Regional Offices (PRO) kasunod ng 2022 Unit Performance Evaluation Rating (UPER).

Ayon kay Azurin, ang PRO 4A sa pamumuno ni Police Brigadier General Jose Melencio Nartatez ang nagtala ng pinakamataas na rating para sa buwan ng Nobyembre (97.21 percent) at Disyembre (98.21 percent) at Marso (94.86 percent).

Nakamit ng PRO Cordillera ang  pinakamataas na rating para sa buwan ng Hunyo (97.05 percent), Hulyo (96.53 percent), Abril (95.69 percent), at Mayo (95.59 percent).

Habang ang PRO 5 ang nagtala ng pinakamataas na rating para sa buwan ng Oktubre (96.42 percent), Agosto (96.35 percent), Enero (95.68 percent), at Pebrero (95 percent).

Nakuha ng PRO 4B ang pinakamataas na rating para sa buwan ng Hulyo (96.53 percent) at Setyembre (96.50 percent).

Hinikayat ni General Azurin ang ibang PROs na hindi nakapasok sa listahan na magsikap upang mapanatili ang positibong pananaw ng publiko sa PNP.

Follow SMNI NEWS in Twitter