PNP, may bagong biling kagamitan

PNP, may bagong biling kagamitan

IPINAKITA sa publiko ang bagong biling kagamitan ng Philippine National Police (PNP)  sa ilalim ng pangangasiwa ng PNP NHQ Bids and Awards Committee.

80 yunit ng Light Transport Vehicles ang nakatakdang ipamahagi para sa iba’t ibang PNP Regional Offices at National Support Units sa bansa.

10 yunit ng Advance Life Support Ambulance naman para sa PNP Health Service.

369 yunit ng Digital Mobile Radio para sa PNP Mobile Forces habang mga bagong assault rifles, helmet at mga bala naman ang ipamimigay sa lahat ng PNP personnel nito.

Personal na dinaluhan ni PNP chief PGen. Benjamin Acorda, Jr. ang seremonya kasabay ng pagtitiyak na ang naturang nga kagamitan ay makatutulong sa pang-araw araw na operasyon ng mga kapulisan sa iba’t ibang panig ng bansa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble