PERSONAL na nanawagan si Philippine National Police (PNP) chief Police General Benjamin Acorda, Jr. sa mga nanalong kandidato nitong katatapos lang na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023.
Umaasa si Acorda na tutuparin ng mga ito ang mga naipangako ng mga politiko noong nagdaang kampanya.
Ani Acorda, dapat maging huwaran ang mga bago at nagbabalik na opisyal sa barangay na maging tapat sa kanilang mga salita at huwag sirain ang tiwala ng publiko sa kanila.
Kaugnay rito, ikinatuwa ng PNP na walang naitalang failure of elections sa nagdaang BSKE sa kabila ng mga naitalang insidente ng pamamaril partikular na sa Bangsamoro Autonomous Region.