PNP, nagpaalala kontra online scam ngayong Kapaskuhan

PNP, nagpaalala kontra online scam ngayong Kapaskuhan

PINAPAALALAHANAN ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na mag-ingat sa mga pinapasok na transaksiyon sa online upang maiwasan ang online scam.

Ito’y sa gitna ng inaasahan na pagdagsa ng online buying, selling, at shopping bilang paghahanda ngayong Kapaskuhan.

Ayon kay PNP PIO chief PCol. Jean Fajardo, isa aniya sa mga nangungunang kaso ang online scam kung saan nabibiktima rito ang maraming Pilipino kasunod ng diumano’y murang offers pero hindi naman makararating sa buyer ang produkto.

Ayon sa PNP, tanging sa mga lehitimong online shops o application o negosyo lang dapat mamili o makipagtransaksiyon para maiwasan na mabudol o maloko habang sinasamantala ng mga kriminal ang panahon ng Kapaskuhan.

Kasabay rito ang pakiusap sa publiko na agad ipagbigay alam sa mga awtoridad kung sakaling nakaranas ng iregularidad sa pakikipag-deal online.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter