PNP pangungunahan ang inspeksiyon sa Metro Manila bilang paghahanda sa Undas

PNP pangungunahan ang inspeksiyon sa Metro Manila bilang paghahanda sa Undas

NAKATAKDANG mag-ikot mamayang hapon si Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Rommel Francisco Marbil sa iba’t ibang matataong lugar sa Metro Manila.

Ito’y bahagi pa rin ng mga paghahanda ng pulisya para sa inaasahang holiday exodus na may kaugnayan sa paggunita ng Undas bukas, Nobyembre 1.

Kasama si National Capital Region Police Office Chief, PMGen. Syndey Hernia, ilan sa mga iikutin ng PNP Chief ay ang mga terminal ng bus, pantalan, paliparan, transport hubs, at iba pa.

Unang iikutin nila Marbil at Hernia ang Cubao Bus Terminal, Port of Manila, Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) at Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

 

Follow SMNI NEWS on Twitter