PNP sa KOJC operations, aktong terorismo—former political prisoner

PNP sa KOJC operations, aktong terorismo—former political prisoner

MAS malala pa sa kaniyang ama, ganito ituring ng dating political prisoner ng Marcos Sr. administration, si Bongbong Marcos dahil sa pananakot at pananakit ng kapulisan sa mga inosenteng church worker ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa pagsisilbi ng warrant of arrest sa compound ng KOJC sa Davao City.

“Alam mo ang nakikita ko lang makapag jujustify niyan, maipakulong ang chief PNP, sasabihin niya martial law na po beloved justices of the Supreme Court, sinusunod lang namin ang utos ng presidente,” pahayag ni Peter “Ka Ramon” Mutuc, Political Prisoner ng Marcos Sr. Admin

Masusing inalisa ng dating political prisoner na si Peter Mutuc o alyas Ka Ramon ang pandadahas ng kapulisan sa mga kawawang church missionary ng Kingdom of Jesus Christ.

Si Ka Ramon ay minsan na rin kasing nakatikim ng pagmamalupit ng Marcos Sr. administration kung saan siya ay ikinulong, binartolina, tinorture, at iba pang pang-aabuso ng Philippine Constabulary na ngayon ay Philippine National Police (PNP).

Nanumbalik sa kaniyang alaala ang naganap na martial law ng ama ni Marcos Jr. kung saan ipinaliwanag ni Ka Eric, isa ring dating rebelde ang pagkakaiba ng ama sa anak na Marcos.

“Ang tatay ni Marcos Jr. nagdeklara ng martial law nang lantaran, ipinaliwanag niya sa taumbayan,” wika ni Jeffrey “Ka Eric” Celiz, Former CPP-NPA National Intelligence Officer.

“This time around sabi mo walang deklarasyon ng martial law, subalit ang kalaban ay ‘di mga terorista kundi mga inosenteng sibilyan at kalaban sa pulitika na mga grupong hinahabol para sa supilin ang kalayaan ng mamamayan at mas malala pa sa martial law kasi walang deklarasyon pero ginagamit ang kaparehong approach,” diin ni Jeffrey “Ka Eric” Celiz, Former CPP-NPA National Intelligence Officer.

“Noong magdeklara ng martial law si President Ferdinand Edralin Marcos Sr. hinarap po niya ito, napanood po namin siya nang live, nasa mga safe house kami nun.”

“Nakikinig ang taumbayan, it was shown live on television, ‘yung paliwanag na ‘yun, ‘yung pagdedeklara na ‘yun makinig po kayo mahal na presidente, makinig po kayo President BBM, learn from your father, matuto po kayo sa karanasan ng tatay mo ‘wag kayo makikinig sa mga payo tambaloslos na nasa paligid ninyo, na ‘yang mga tao na ‘yan ilulubog kayo niyan,” dagdag ni Ka Peter.

Dagdag pa ni Ka Peter, ang pagdeklara ng martial law ni Marcos Sr. ay tinanggap ng taumbayan dahil sa malinaw na paliwanag nito sa lumalalang kilusan ng iba’t ibang grupo na lumalaban sa pamahalaan, na kabaliktaran naman sa ginagawa ng BBM administration dahil ang ginagamitan umano ng pananakot ng kapulisan ay ang mga ordinaryong misyonaryo ng KOJC.

“Wala ka nang pepedeng how to describe ‘yung napanood natin, that’s terrorism, ano ba ang terorismo, ang paggamit ng armas ng pwersa para manakot, para manakot,” ayon pa kay Ka Peter.

Kinuwestiyun ni Ka Ramon ang pahayag ng tagapagsalita ng PNP na si Col. Jean Fajardo na kabaligtaran sa nangyari.

“Lagi po natin sinasabi na maximum tolerance po talaga ang ating ii-implement itong service of warrant of arrest but ah again nakikiusap po tayo dun sa mga supporters po ni Pastor Apollo C. Quiboloy na.”

“Pede po natin daanin ‘yun sa magandang usapan, magandang pakikipag negosasyon para ‘di humantong sa ganito sa anumang tensyon po,” pahayag ni Col Jean Fajardo – Chief, PNP-PIO.

”Paano magkakaroon ng maximum tolerance sa sinasabi mo.”

“Pumasok kayo ng alas tres ng madaling araw at nagsampa kayo ng hagdan na talagang aatakihin ninyo, parang ang aatakihin niyo ay terorista,” giit ni Ka Peter.

Sa huli, binigyang linaw ng mga abogado ng KOJC na maraming nilabag na batas at kasinungalingan na nagawa ang pambansang pulisya sa naturang insidente.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble