PNP, sumagot sa diumano’y kawalan ng pangil laban sa mga kriminal

PNP, sumagot sa diumano’y kawalan ng pangil laban sa mga kriminal

SUMAGOT ang Philippine National Police (PNP) sa diumano’y kawalan ng pangil laban sa mga kriminal.

Matapos ang tatlong magkakasunod na insidente ng pananambang sa ilang opisyal ng pamahalaan nitong mga nakaraang araw, nadagdagan pa ito ng isang karumal-dumal na pamamaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Mula rito, aminado ang PNP na tila naging kumpiyansa na raw ang mga kapulisan sa kanilang mga responsibilidad lalo na sa pagtitiyak ng seguridad ng mga opisyal ng pamahalaan.

Sa isang press briefing, hindi man direktang sinagot ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin, Jr. ang diumano’y kawalan ng pangil ng PNP laban sa mga kriminal, pero aniya, may ginagawa silang paraan para dito.

Bagamat bigo mang ipinaliwanag ng PNP, nanindigan sila na hindi sila nagpapabaya sa kanilang tungkulin na protektahan ang mamamayan.

 Balasahan sa ilang opisyal ng PNP, ipatutupad kasunod ng pagpatay sa gobernador ng Negros Oriental

Sa ngayon, dahil nga sa sunod-sunod na insidente ng pamamaslang, isa sa mga agarang solusyon ng PNP ang malawakang balasahan sa mga lokal na opisyal ng pulisya.

Buo ang tiwala ng PNP na sa ilalim ng reshuffling, dito malalaman kung may iregularidad ba o kapabayaang ginagawa ang mga pulis.

Dahilan para ikompromiso ang seguridad ng mahalal na opisyal.

Sa huli, muling nanawagan ang PNP sa publiko na agad ipagbigay alam sa kanila ang anumang impormasyon na kanilang nakakalap para mabilis na matugunan ito ng mga kapulisan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter