PNP, tuloy ang kampanya kontra bomb threats

PNP, tuloy ang kampanya kontra bomb threats

BAGAMA’T humuhupa na ang isyu ng mga banta ng pagpapasabog o bomb threats, patuloy ang koordinasyon na gagawin ng Philippine National Police (PNP) sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan kasama na ang mga eskuwelahan.

Bahagi nito ang mas pinaigting na ugnayan ng pulisya sa mga paaralan na ipagbigay agad sa kinauukulan ang mga napapansing kahina-hinalang tao o bagay sa paligid.

Aminado si PNP Chief P/Gen. Benjamin Acorda Jr. na hindi pa rin dapat na magpakakampante sa lahat ng oras laban sa mga banta sa seguridad.

Nabatid na bahagyang naapektuhan ang mga aktibidad ng bansa dahil sa nasabing bomb threats pero giit ng PNP hindi na ito bago at nangyayari ito sa iba pang parte ng mundo bukod sa Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble