PNP, wala pang nakitang ‘proof of life’ sa dinukot na American vlogger

PNP, wala pang nakitang ‘proof of life’ sa dinukot na American vlogger

HINDI pa nakatawid mula Basilan at Sulu ang mga dumukot ng American vlogger na si Elliot Eastman sa Sibuco, Zamboanga del Norte.

Batay sa pahayag ng Philippine National Police (PNP), wala pang indikasyon hanggang ngayon na nangyari ito ngunit wala rin silang ‘proof of life’ sa naturang foreigner.

Mahigpit naman anilang nakikipag-ugnayan sa isa’t isa ang Police Regional Office 9 at Police Regional Office-Bangsamoro maging ang binuong Crisis Incident Management Task Group.

Anila, titiyaking hindi makalalabas sa Zamboanga del Norte ang mga kidnapper.

Dinukot ang American vlogger gabi ng Oktubre 17.

Sa ulat, isinakay ito ng kidnappers sa isang bangka papuntang Basilan at Sulu.

Nagpapatuloy pa ang PNP sa pag-iimbestiga kung ano ang pinaka-motibo ng pagdukot subalit sa mga vlog ng dayuhan ay sinabi na nito na hindi siya nagugustuhan sa mga taga-roon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble