PNP, walang nakikitang posibleng paggalaw ng mga dating heneral ng PNP laban kay PBBM

PNP, walang nakikitang posibleng paggalaw ng mga dating heneral ng PNP laban kay PBBM

TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) na wala silang namo-monitor na paggalaw ng mga dating heneral ng pambansang pulisya laban sa kasalukuyang gobyerno.

Kaugnay ito sa kontrobersiyal na People’s Initiative campaign para isulong ang Charter Change o pagpapalit ng Saligang Batas.

Ayon kay PNP PIO chief Col. Jean Fajardo, sa panayam ng media sa Kampo Krame, iginagalang nila ang desisyon ng mga dating opisyal ng pambansang pulisya bilang mga sibilyan kaugnay sa mga komento at hinaing nito sa mga nangyayari sa bansa.

Samantala, nakahanda naman ang PNP na arestuhin ang sinumang indibidwal na makikita may nilalabag na batas kaugnay sa sinasabing pagpapapirma para suportahan ang People’s Initiative kapalit ng pera.

Tugon nila ito sa panawagan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa PNP na hulihin ang mga taong nasa likod ng pagpapapirma kapalit ng pera para sa pagbabago ng Konstitusyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble