WALANG namo-monitor na security threat ang Philippine National Police (PNP) ngayong Kapaskuhan.
Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office chief Police Colonel Jean Fajardo lalo’t magsisimula na ang tradisyunal na Simbang Gabi bukas, Disyembre 15.
Ayon kay Fajardo, mahigpit ang naging bilin ni PNP chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa lahat ng regional directors, provincial directors at chief of police na palakasin ang kanilang intelligence monitoring.
Kabilang sa tututukan ng pulisya ay ang mga simbahan, pantalan, paliparan, terminal ng bus, pampublikong lugar at iba pang matataong lugar.
Nabatid na itataas na ng PNP sa full alert ang kanilang hanay simula bukas, kung saan tinatayang 39,000 pulis ang ipakakalat para sa tiyakin ang seguridad ng publiko.