GOOD news muna tayo, may handog na libreng sakay ngayong linggo ang Philippine National Railways (PNR).
Sa anunsyo ng PNR, hindi nila pagbabayarin ng pasahe ang mga batang may taas na hindi papagpas ng 3 feet o tatlong talampakan.
Bukod dito, magbibigay rin ang naturang train system ng diskwento sa mga estudyante, senior citizens, at person with disabilities.
Para maa-vail ito, kailangan lamang ipakita ang kanilang identification o ID card.
Ang libreng sakay ng PNR ay bilang pakikiisa sa selebrasyon ng children’s week.