INANUNSIYO ngayong umaga Marso 22, 2025 ng PNR ang mga biyahe patungong South Luzon, ang mga sumusunod na ruta ay ang Lucena papuntang Calamba, biyaheng Legazpi papuntang Naga, Naga papuntang Sipocot, at Sipocot papuntang Naga.
Ayon sa PNR, kung wala ang oras at ruta sa nabanggit, ito ay maaaring kanselado o pamansamatalang suspendido.
Maglalabas naman muli ang panibagong schedule bukas, Marso 23, bago mag-11 A.M ang PNR ngunit maaaring magbago ang schedule depende sa availability ng mga train sets.
Follow SMNI News on Rumble