PNVF umaasa sa agarang pag-apruba ng Federation Transfer nina Van Sickle at Phillips

PNVF umaasa sa agarang pag-apruba ng Federation Transfer nina Van Sickle at Phillips

MANILA — Umaasa ang Philippine National Volleyball Federation (PNVF) na mapapadali ang proseso ng federation transfer ng Fil-American volleyball players na sina Brooke Van Sickle at MJ Phillips mula sa USA Volleyball patungo sa PNVF.

Kapag natapos ang kanilang paglipat, opisyal nang maaari silang makapaglaro sa international tournaments bilang bahagi ng Alas Pilipinas, ang pambansang koponan ng bansa sa volleyball.

“Inaasahan naming magiging maayos ang proseso. Nakahanda na ang mga dokumento,” ayon sa opisyal ng PNVF.

Parehong miyembro ng Petro Gazz Angels, sina Van Sickle at Phillips ay matagal nang nagpapakita ng suporta at intensiyon na maglaro para sa Pilipinas.

Kinumpirma nila ang kagustuhang maglingkod sa national team matapos silang mapabilang sa wishlist ni Alas Pilipinas head coach Jorge Souza de Brito.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble