POC, naniniwala na maipapanalo ni EJ Obiena ang 2024 Paris Olympics

POC, naniniwala na maipapanalo ni EJ Obiena ang 2024 Paris Olympics

NANINIWALA ang Philippine Olympic Committee (POC) na maiuuwi muli ni EJ Obiena ang panalo sa 2024 Paris Olympics batay sa performance ng pole vaulter ngayong season.

Ayon kay POC President Abraham “Bambol” Tolentino, hindi lang skills at physicality ang naging elite kay EJ kundi ang focus at mental approach nito sa kaniyang sport.

Tiwala si Tolentino na maipapanalo ni Obiena ang Paris Olympics kasunod ng silver medal finish nito noong Linggo sa World Championships sa Budapest, Hungary matapos niyang i-clear ang 6 meters sa ikalawang pagkakataon ngayong taon.

Sa ngayon ay pinaghahandaan naman ni Obiena ang 12th Asian Games na magsisimula sa Setyembre 23 na gaganapin sa Hangzhou, China.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble