POGO konektado sa organized crime –Sen. Padilla

POGO konektado sa organized crime –Sen. Padilla

INAMIN ni Senador Robin Padilla na nabanggit sa kanila ni Chinese Ambassador Huang Xilian sa pagbisita sa tanggapan ni Senate President Juan Miguel Zubiri na ang ilang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ay konektado sa mga sindikato at iligal na gawain.

Ito aniya ang naging sagot ng Chinese ambassador sa tanong ni Zubiri kung ang mga POGO Operators ba sa bansa ay sangkot o konektado sa organized crimes.

Kinumpirma rin ni Sen. Padilla na sa meeting nila kay Chinese Ambassador Huang Xilian ay sinabi nito na binalaan na ng kanilang pamahalaan ang kanilang mga kababayan na magtungo sa Pilipinas.

Ayon kay Padilla, malinaw na inihayag ni Ambassador Huang na hindi pinapayagan ng Tsina ang mga mamamayan nito na magsugal online, mamuhunan sa mga online gambling businesses, o magtrabaho sa mga online gaming businesses gaya ng POGO.

Sinabi pa aniya ni Huang na nakatutok ang pamahalaan ng Tsina sa mga posibleng krimen bunsod ng paglaganap ng patuloy na POGO operations sa Pilipinas.

Follow SMNI NEWS in Twitter