Pokus ng Senado kay Mayor Guo, nakasisira ng kanilang imahe—civic leader

Pokus ng Senado kay Mayor Guo, nakasisira ng kanilang imahe—civic leader

TINULIGSA ni Kaisa Para Sa Kaunlaran Co-Founder Teresita Ang-See ang pagtutok ng Senado sa pagkatao ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Lalong-lalo na sa ginagawang imbestigasyon nila hinggil sa kontrobersiyal na POGO hub sa Bamban.

Ani Ang-See, nakasisira sa imahe ng Senado ang ginagawa nilang personal na mga pang-aatake kay Guo.

Nauna nang sinabi ni Mayor Guo na isa siyang Pilipino at hindi siya spy gaya ng mistulang pinaniniwalaan ng mga senador na kasama sa imbestigasyon.

Unang lumutang ang pangalan ni Guo nang napaulat na posibleng sangkot sa surveillance at hacking incidents sa mga website ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ang kompanyang Zun Yuan Technology Inc.

Ang Zun Yuan Technology Inc. ay isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na nakabase sa Baofu Compound sa Bamban, Tarlac na sinalakay ng mga awtoridad noong isang buwan dahil sa pagkakasangkot nito sa malawakang scamming.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter