SA kabila ng mga pahayag ng gobyerno na bumababa ang crime rate, ibang larawan ang nakikita ng publiko—karahasan, pagdukot, at patayan na tila araw-araw na lang laman ng balita.
Dalawang political analyst ang nagpahayag ng matinding pagkabahala, at tinawag pang “kalokohan” ang datos ng gobyerno.
Patuloy na bumabalik sa agenda ang isyu ng kriminalidad at peace and order, na isa pa ring malupit na suliranin sa bansa. Bagamat ipinagmamalaki ng gobyerno na bumababa raw ang crime rate, hindi ito tumutugma sa realidad na nakikita ng mga mamamayan.
Ayon kay Prof. Froilan Calilung, isang kilalang political analyst, malinaw na may mali sa mga pahayag ng gobyerno at ang nararanasang krimen sa araw-araw.
Halos hindi na mabilang ang mga insidente ng kidnap-for-ransom, mga taong nawawala, at mga road rage na nauuwi sa mga marahas na pangyayari o maging kamatayan. Isang patunay ito ng lumalalang problema sa peace and order na kailangang tugunan ng gobyerno sa mas konkretong paraan.
“There will be definitely a sort of confusion especially on the part of the public kung halimbawa ito ‘yung numero na sinasabi nila that criminality is going down where in fact everyday where seeing petty crimes being committed, were seeing kidnap for ransom for instance, were seeing people being – mga taong nawawala or itong mga road rage na ito na nauwi sa patayan,” pahayag ni Prof. Froilan Calilung, Political Analyst.
Dahil dito, humihina ang tiwala ng mga mamamayan sa gobyerno, bagay na aniya’y hindi gaanong naging isyu sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
“I think this symbolic of the decreasing more of fiber itong ating mga kababayan and I think the one reason of behind this is yung lack of trust and lack of sabihin na nating paniniwala nila doon sa ating pamahalaan and I think there is something na hindi natin nakita or masyadong naranasan sa panahon noong nakaraang pangulo” aniya.
Samantala, si Ka Ado Paglinawan naman na isa ring political analyst, tinawag na “self-destructive” ang kasalukuyang administrasyon.
Ayon sa kaniya, ang mga desisyon at hakbang ng gobyerno ay patuloy na nagpapalubha sa mga problema ng bansa, imbis na magbigay-solusyon. Para kay Ka Ado, tila nagiging sanhi pa ng sarili nitong pagkasira ang mga hakbangin ng administrasyon sa mga isyu ng kriminalidad at peace and order.
“Itong administration na ito has a self-distractive instinct” Ka Ado Paglinawan, Political Analyst.
Political analyst: Pagbaba ng kriminalidad, kalokohan lang ayon sa mga datos ng gobyerno
Mariin niyang tinanggihan ang pahayag ni PNP Chief Rommel Marbil na bumababa ang kriminalidad sa bansa. Giit niya—mali ang impormasyong ito.
Sa kabila aniya ng mga pahayag ng PNP ay mataas pa rin ang mga insidente ng kidnapping at iba pang krimen, na nagdudulot ng takot at kawalan ng tiwala sa seguridad ng bansa.
“Break down of peace and order, bobolahin pa tayo itong si Gen. Marbil na bumabagsak na daw ang krimen, kalokohan”
“Peace and order malaking problema, paano tayo makakapag negosyo ng maayos, ang kidnapping napakataas,” wika pa ni Paglinawan.
Kaya’t nananawagan ang mga eksperto ng agarang aksiyon upang ayusin ang Pilipinas, isang panawagan na una nang itinaguyod ni senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy.
Ayon sa kanila, hindi na maaaring palampasin pa ang lumalalang sitwasyon ng peace and order sa bansa, at kinakailangang magsagawa ng mga konkretong hakbang para maprotektahan ang kapakanan ng mamamayan at maisaayos ang kalagayan ng bansa.
“Ayusin natin ang bansa natin, ngayon, wag na po tayong magpabukas baka wala na pong kinabukasan,” ayon pa kay Paglinawan.