Pondo para sa ALS, tiniyak na sa 2023 budget –Gatchalian

Pondo para sa ALS, tiniyak na sa 2023 budget –Gatchalian

TIYAK na ang pondo para sa Alternative Learning System (ALS) mula sa 2023 national budget ayon kay Senador Win Gatchalian.

Ito ay matapos aprubahan sa Bicameral Conference Committee Report sa 2023 national budget ang panukala na maglaan ng P562 milyon sa ilalim ng Department of Education (DepEd) budget para sa pagpapatupad ng mga programa sa ALS at sa probisyon ng mga learning resources.

Ayon kay Gatchalian, sobrang apektado ang ALS program dahil sa pandemya kaya’t nararapat lamang na bigyan ng suporta ang mga kababayang nais makapagtapos sa pamamagitan ng ALS.

Saklaw rin ng naturang pondo ang transportation and teaching aid allowances sa mga ALS teachers at sa mga community ng ALS implementers.

Ang P562 milyon ay nakalaan sa ilalim ng flexible learning options.

Ang ALS ay ang impormal na sistemang nagsisilbing alternatibo sa pormal na sistema ng edukasyon upang mabigyan ng pangalawang pagkakataon sa edukasyon ang mga out-of-school children in special cases at nakatatandang mga mag-aaral, kabilang ang mga indigenous peoples, at iba pang mga nangangailangang mag-aaral.

Sa ilalim ng ALS, mapapaigting din ang kanilang basic at functional literacy at life skills.

 

Follow SMNI News on Twitter