Posibleng martial law declaration sa Davao City, ibinabala ng dating press secretary

Posibleng martial law declaration sa Davao City, ibinabala ng dating press secretary

PARA kay dating Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, walang sapat na batayan ang pagpapadala ng isang batalyong mga pulis sa mga KOJC Compound dahil hindi naman armado ang mga taga-simbahan.

Warrant of arrest at hindi search warrant ang dala ng mga awtoridad.

Pero ang nangyari, sabayang hinalughug ang limang compound—Lunes ng umaga, Hunyo 10, 2024.

Kaya ang mga taga-KOJC, nagulat sa pag-pasok ng mga awtoridad kaya hinarangan ang mga ito dahilan para magkaroon ng komosyon.

Saad ni Angeles, maaaring gawing basehan ang komosyong naganap para sa pagdedeklara ng batas-militar.

Pati na ang makailang ulit na pagbalik sa KOJC Compound ng mga awtoridad para i-patupad ang arrest order kay Pastor Apollo C. Quiboloy.

Aniya, mga armadong pulis, para lang hanapin ang isang Pastor na walang bahid ng karahasan at ang dala lang ay Bibliya, turo ang mensahe ng pag-ibig ng Diyos.

May mga safeguard na ang Supreme Court na nagpipigil sa mga awtoridad sa paggamit ng labis na pwersa sa mga operasyon.

Halimbawa rito ang 1987 Mendiola Massacre kung saan 13 ang nasawi na magsasaka sa marahas na dispersal ng mga awtoridad.

Sabi ng Korte Suprema, kailangang magpigil ng mga awtoridad sa mga operasyon at iwasan ang paggamit ng labis na dahas.

Kinuwestiyon naman ni Cruz-Angeles ang kawalan ng paliwanag ng pamahalaan sa ginawa sa KOJC.

Bukod diyan, lumabas din ang balita na umano’y papatawan ng suspension order si Davao City Mayor Baste Duterte.

Ginawa ring isyu ang war on drugs sa Davao kung saan pinagtatanggal ang mga pulis na sakop ng operasyon.

Nais namang paimbestigahan sa Kamara ang drug use ng mga kawani ng Davao City Hall.

“Kung may paki pa sila sa iniisip ng mga tao. Pero ngayon nakikita mo walang comms. Walang nagi-explain, walang nagmi-mitigate. So ano ‘yung pwede nating i-conclude dito politically? Gusto nila to. Gusto nilang makita na may pwersa sila. Gusto nilang ipakita na malakas sila,’’ ani Atty. Trixie Cruz-Angeles.

Sa huli, nilinaw ni Cruz-Angeles na kailangan ng military take-over kapag may martial law.

Pero, nakikita ng taumbayan ang build-up ng martial law scenario, lalo’t sunud-sunod ang negative publicity sa Davao City.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble