Posisyon sa gobyerno para kay outgoing PNP Chief Gen. Azurin, nakadepende kay PBBM

Posisyon sa gobyerno para kay outgoing PNP Chief Gen. Azurin, nakadepende kay PBBM

WALA pang natatanggap na alok sa gobyerno si outgoing PNP chief General Rodolfo Azurin, Jr.

Sa panayam sa kaniya araw ng Huwebes, April 20, 2023, ipinauubaya na lamamg nito kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang desisyon kung magkakaroon siya ng puwesto sa gobyerno pagkatapos ng kaniyang termino bilang PNP chief.

Aniya, uunahin muna nito ang oras para sa kaniyang pamilya at sa pribado nitong buhay.

Bagamat hindi naman nito isinasara ang kaniyang pintuan sa iba pang oportunidad dahil batid nito na mayroon pa siyang unfinished business sa bayan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter