MARARANASAN ang dalawang araw na power interruption sa ilang bahagi ng Tondo, Maynila sa Biyernes ayon sa Manila Electric Company (Meralco).
Sa anunsiyo, magsisimula ito ng 11:30 am hanggang 11:59 pm sa Hunyo 16.
Mayroon ring power interruption mula 4:00 hanggang 4:30 am sa Hunyo 17.
Ang dahilan ng power interruption ay ang reconstruction activities sa Jose Abad Santos Avenue sa Tondo.
Ang maaapektuhan ay ang mga sumusunod:
- Bahagi ng New Antipolo St. mula Maria Guijon St. papuntang Jose Abad Santos Avenue.
- Bahagi ng Old Antipolo St. mula Jose Abad Santos Avenue papuntang Oroquieta Road, Tindalo Extension at Almeda St.
- Bahagi ng Tomas Mapua at Anacleto St. mula Old Antipolo St. papuntang Herrera St., Yuseco at Laguna St.
- Bahagi ng Batangas St. mula Makata St. papuntang Rizal Avenue.
- Bahagi ng Rizal Avenue mula Old Antipolo St. papuntang Yuseco St.
- Bahagi ng Bagac St. mula Santos Teodoro St. hanggang Morong St. sa Manuguit
- Bahagi ng Jose Abad Santos Avenue mula Morong St. malapit sa New Antipolo St., Mercury Drug at ospital ng Tondo.