PPA, walang port closure ngayong peak season

PPA, walang port closure ngayong peak season

WALANG “port closure” sa mga pantalan ng Maynila at Batangas ngayong Pasko at Bagong Taon.

Ito ang nilinaw ng Philippine Ports Authority (PPA) matapos ang maling anunsyo ng 2GO travel sa kanilang websites ukol sa umano’y “port closures” ngayong peak season.

Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago, tuloy ang 24/7 na operasyon sa mga pantalan at walang naiulat na pagsasara ng anumang pantalan ng PPA sa buong bansa.

Sa ngayon nakadeploy na rin ang PPA Port Police sa mga pantalan at nakahanda na rin ang mga empleyadong naka-duty sa PPA Malasakit Help Desk para maasikaso ang mga uuwi ngayong Kapaskuhan.

Matatandaang nitong nakaraang linggo, naglabas ng memorandum si Santiago ukol sa “no leave policy” para sa 24/7 na operasyon ng PPA ngayong Pasko at Bagong Taon.

Follow SMNI NEWS in Twitter