MAKIKITA na simula Enero 5, 2024 sa TVN Asia o Cignal TV para sa Pilipinas ang “Nana Tour” ng K-pop boy group na Seventeen.
Featured sa nasabing 6-part series reality show ang paglilibot ng grupo sa bansang Italy kasama ang veteran producer na si Na Yeong-seok.
Ang nasabing reality TV show aniya ay isa sa mga highlight programs ng TVN Asia para sa taong 2024.
Bagama’t binubuo ang Seventeen ng 13 members, 12 lang sa mga ito ang kasama sa reality show dahil patuloy pa ang recovery ng leader nilang si S.Coups dahil sa natamong knee injury matapos naglaro ng ball game para sa isang content shoot.