SA Hulyo 26 na ang premiere ng historical action-drama series na “Pulang Araw” sa streaming platform na Netflix.
Tatlong araw ito bago ang nakatakdang airing schedule sa free TV.
Sentro ng drama series ang mga pangyayari sa Pilipinas noong panahon na sinakop ito ng bansang Japan.
Tampok naman dito sina Alden Richards, Dennis Trillo, Barbie Forteza, David Licauco, at Sanya Lopez.