President-elect Donald Trump, tatapusin ang EDCA—Ex-Presidential Consultant

President-elect Donald Trump, tatapusin ang EDCA—Ex-Presidential Consultant

NANINIWALA ang isang dating presidential consultant na si Jose Alejandrino na tatapusin ni US President-elect Donald Trump ang EDCA bases sa kagustuhan nito na makamit ang kapayapaan sa buong mundo.

“And so, what will happen to EDCA? My guess is that Trump will end EDCA,” saad ni Jose Alejandrino, Former Presidential Consultant.

Ito ang inihayag ng ni Alejandrino sa eksklusibong panayam ng SMNI News matapos tanungin kung ano ang magiging epekto ng pagkapanalo ni Trump bilang pangulo ng Amerika.

Aniya, naniniwala siya na sa oras na makausap ni Trump ang presidente ng China hindi na magkakaroon ng silbi ang mga EDCA bases.

Binigyang-diin nito na dahil sa pagkapanalo ni Trump, naging malinaw na mali ang naging foreign policy ng kasalukuyang administrasyon.

“And Trump reaches an accommodation with China I foresee that those EDCA bases will no longer be needed and what Bongbong left with? An empty hand he has made wrong choices in the realm of foreign policy and so now he will have face the consequences,” dagdag ni Alejandrino.

Kaya dapat aniya na bumalik ang Pilipinas sa pagiging neutral at independent gaya ng ginawa ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“So, I’m hopeful that we will eventually will have to return to the policy of neutrality and an independent foreign policy that Digong, Former President Rodrigo Duterte initiated,” aniya.

Tungkol naman sa tanong kung igigiit ng Pilipinas na manatili ang mga base militar ng mga Amerikano, ito ang naging sagot ni Alejandrino.

“You know then what Trump will do as it has already announced at Taiwan if you insist America defending you, you have to pay for it and it will cost you several billion dollars a year,” aniya pa.

Sa huli, sinabi ni Alejandrino na bagamat hindi pa ito natutupad pero sigurado siya sa isang bagay na hindi suportado ni Donald Trump ang pagkakaroon ng giyera.

“This is my own analysis and will have to see what Trump does but what I do know is that Trump is determined to close down the US bases abroad bring the troops home reach a peaceful accommodation with Russia and China to attain global peace he wants to end all wars, I’m not gonna support any war,” ani Alejandrino.

Matatandaan na isa sa mga pangako ni Trump noong kampanya ay ang makamit ang kapayapaan sa buong mundo.

Dahil dito, inaasahan ng marami na matatapos na ang nagpapatuloy na digmaan sa pagitan ng bansang Russia at Ukraine at maging sa ibang bansa.

Kaugnay rito, kaniyang ipinakita na siya ay seryoso sa kaniyang pangako matapos na lumabas ang impormasyon na nagkaroon ng pag-uusap sa telepono sina President Trump at ang presidente ng Russia na si Vladimir Putin.

Ayon sa report, sa naturang phone call umano inabisuhan ni Trump si Putin na ‘wag nang dagdagan pa ang giyera laban sa Ukraine.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble