INAASAHAN ang pagbisita ni Ukraine President Volodymyr Zelensky sa Washington para sa posibleng pagpupulong kasama si US President Joe Biden at ang Congress.
Ito ang unang international trip ni Zelensky sa labas ng bansa nito simula nang atakehin ng Russia ang Ukraine noong Pebrero.
Ang biglaang pagbisita ni Zelensky ay matapos ang planadong pakikipagpulong ni Russian President Vladimir Putin kasama ang mga senior official nito upang timbangin ang resulta ng nagpapatuloy na giyera at ang mga plano nito sa susunod na taon.
Ang pagbisita ni Zelensky sa White House ay para sa pag-anunsyo ng bagong package ng military aid para sa Ukraine kabilang na ang advanced patriot batteries upang makatulong sa pagdepensa sa brutal na missile attacks ng Russia.