Presidente ng Germany, bibisita sa Thailand

Presidente ng Germany, bibisita sa Thailand

BIBISITA si German President Frank Walter Steinmeier sa Thailand kasunod ng imbitasyon ni Prime Minister Srettha Thavisin mula Enero 24-26.

Pag-uusapan ni Steinmeier at Srettha ang bilateral na kooperasyon at nakatakda rin itong pumirma ng dalawang bagong memorandum of understanding sa rail system at science.

Ayon kay Government Spokesman Chai Wacharonke, ang pagpupulong sa Enero 25 ay dadaluhan din ng mga miyembro ng gabinete ng Thailand.

Magho-host din si Srettha ng state lunch banquet para kay Steinmeier at sa asawa nito sa Government House.

Kasabay rito ay bukas din ang hari at reyna sa pagbisita ng German president sa Amphorn Sathan Residential Hall at Dhusit Palace.

Si Steinmeier ang kauna-unahang dayuhang pangulo na bibisita sa Thailand mula nang umupo si Srettha bilang punong ministro ng bansa.

Samantala, kasama sa pagbisita ay magtutungo rin ang pangulo ng Germany sa Mercedes-Benz manufacturing sa Thailand factory sa Samut Prakan Province.

Ang nasabing factory ang major base ng produksiyon ng mga sasakyan at electric vehicles ng Mercedes-Benz.

Tutungo rin si Steinmeier at ang kaniyang delegasyon sa Ubon Ratchathani Province para bumisita sa hydro-floating solar hybrid power plant, isa sa pinakamalaking floating hydro-solar hybrid power station sa mundo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble