Presidential appointees sa ilalim ng PCO pinare-resign

Presidential appointees sa ilalim ng PCO pinare-resign

IPINAG-utos ni Executive Secretary Lucas Bersamin na magsumite ng “unqualified courtesy resignation” ang lahat ng presidential appointees sa ilalim ng Presidential Communications Office (PCO).

Kasunod ito ng appointment ng bagong PCO chief na si Jay Ruiz.

Ang hakbang ay upang mabigyan ng malayang kilos sa pagtupad sa kaniyang mga tungkulin at responsibilidad ang bagong PCO chief.

Sa ilalim ng direktiba ng Palasyo na inilathala noong Marso 1, 2025, ang deadline para sa pagsusumite ng courtesy resignation ay noong Biyernes, Pebrero 28.

Ang kautusan ay sumasaklaw sa mga presidential appointee sa mga ahensiya, bureau, at opisina sa ilalim ng PCO na walang permanenteng appointment, gayundin sa mga appointee sa government-owned and controlled corporations na nakakabit sa PCO na nasa acting capacity o holdover status.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble