Presyo ng isda ‘stable’ bago ang Semana Santa—DA

Presyo ng isda ‘stable’ bago ang Semana Santa—DA

NANANATILING ‘stable’ ang presyo ng isda sa bansa ilang araw bago ang Semana Santa ayon sa Department of Agriculture (DA).

Sa price monitoring, ang kasalukuyang presyo ng bangus ay nasa P240 kada kilo habang ang tilapia ay nasa P160 kada kilo.

Ang galunggong ay nasa P240 lang din kumpara sa P260 noong nakaraang linggo.

Gayunpaman, sinabi ng ahensiya na maaaring makakita ng paggalaw sa presyo ng mga isda ngayong Semana Santa dahil sa tradisyon ng mga Pilipino na kumain ng isda imbes na karne tuwing Biyernes Santo.

Madalas naman ayon sa ahensiya na hindi lalampas sa 15 percent ang itataas sa presyo ng mga isda.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble